Friday, June 11, 2010

Dahil Mayaman ako, Walang Kuryente at Ako lang Mag-Isa.

Parang ayaw ko ng gumising. Eh kasi naman, ang ginaw! Ang sarap talaga magkulong sa kwarto pag umuulan. Ang emo ng effect. Ako nga lang pala mag isa mamaya. Gusto ko sumama kina Mama. Antagal ko na rin hindi naka balik dun sa probinsya namin. Kaya lang baka matagalan bago sila makauwi. Absent na naman pag nagkataon. Ang dami ko na ngang absent. haynaku!


Bumangon ako at naligo. Toink! Walang tubiggggggg! Wala ring kuryente. VECO, ano ba?Araw-araw ka nalang ganyan! Ang init na nga, nag bobrown out pa! Ughh. Nag ayos nalang ako at nag desisyong umalis. Saan kaya ako pupunta?

Nagpasyahan ko na pumunta sa Lungsod ng Minglanilla. Ang layo nuh?Naging parte din kasi ng buhay ko ang lugar na yun. :) Dahil mayaman ako ngayon, bumili ako ng tatlong pirasong fried chicken at apat na puso o ang tinatawag nilang hanging rice. Paborito ko talaga to! Parang pang dalawang tao yung binili ko. Kaya ko rin naman ubusin yun ah! Nakita ko rin yung tindahan na nagbebenta ng Buy 1 Take 1 na burger. Yung footlong ang binili ko! Hanep! Matagal ko ng gustong tikman to. Ang taas! Bumili rin ako ng isang pack ng Hany. Ang paborito kung dessert. :)


Pumunta ako dun sa dating kainan. Yung side store namin nung highschool. Mabuti nalang at may mesa dun. HIndi rin makokompleto yung kakainin ko kung wala akong ayswater. Kaya ayun, bumili ako ng isa. Tinanong pa nga ako ni KUya Dan2x kung may kasama ako kasi ang dami ko raw'ng binili. HAHahhaa!


Linantakan ko na ng bonggang bongga yung fried chicken. Ginagawa ko nga ring ulam yung tuyo at suka. Sarap talaga! :) Gaya ng mga fried chicken na nakain ko dati, medyo matigas na rin yun pero masarap pa rin. :) Ubos na yung fried chicken at puso ko. Footlong naman! yum3x. Wooow! First time ko to teh. Okay lang naman yung lasa at para ma feel ko na may kasama ako kunwari, kinagat ko yung kabilang dulo. Kinain ko rin yung Hany ko. Anim yata yung nakain ko. Nag enjoy naman akong kumain kahit ako lang mag-isa. :)


Ang busog busog ko na. ininom ko nalang yung ayswater at nagpasya ng umalis. Naglakad-lakad muna ako para naman matunaw yung mga bilbil ko sa katawan. hahaha! Pumunta ako dun sa prayer room at nag dasal. Na miss ko rin yung lugar na yun. Pupuntahan ko din sana yung favorite mama ko.Para naman may makausap ako kahit papano. Kaya lang, may pasok pa pala yun. May tutorial pa siguro at maka disturbo pa ako kaya nag desisyon nalang akong umuwi.


Wow! may kuryente na. Makakapag laro na naman ako ng paborito ko. Nag eenjoy din naman ako kahit hindi ako nag lelevel-up. haha.


Nagboblog nalang ako ngayon para mailabas ko naman yung kasiyahan ko sa pagkain ng paborito kung pagkain. :) Para na nga rin akong loka-loka, kinakausap ko na si Teddy Bear. Panu pa kaya ngayon na ako nalang mag-isa? Ang lungkot naman. :(


Matutulog na muna ako. Kung hindi man ako maka gising mamaya, okay lang, busog naman. haha.

Good night. ^_^


- - - - - - - - - - - - -


Espesyal pa rin sa akin ang araw na ito. Magiging espesyal, habang buhay kahit ako lang yung nag cecelebrate. :)

Wednesday, June 9, 2010

Love of my Life.

I am amazed
When i look at you
I see you smiling back at me
It's like all my dreams come true
I am afraid
If i lost you, boy
I'd fall through the cracks
And lose me track in this crazy lonely world

Sometimes it's so hard to believe
When the nights can be so long
And gave me the strength
And kept me holding on


You are the love of my life
And I'm so glad you found me
You are the love of my life
Baby, put your arms around me
I guess this is how it feels
When you finally find something real
My angel in the night
You are my love
The love of my life

Now here you are
With midnight closing in
You take my hand as our shadows dance
With moonlite on you skin

I look in your eyes
I'm lost inside your kiss
I think if i'd never met you
About all the things i'd missed

sometimes it's so hard to believe
when a love can be so strong
and faith gave me the strength
and kept me holding on




- - - - - - - -

paperworks.oohh paperworks! :|

Tuesday, June 8, 2010

??

nganu mn ni aqng date ug tym uiiee.d mn xa sakto..



haynaku!



- - - - - - -